QC Judge inireklamo sa SC: GROSS IGNORANCE OF THE LAW

Nasa alanganin ngayon si Judge Ralph Lee ng Quezon City RTC Branch 83 matapos ireklamo sa Korte Suprema dahil umano sa gross ignorance of the law at paglabag sa tamang proseso.

Sa reklamo ni Manuel Siquian na inihain sa Judicial Integrity Board (JIB), iginiit niyang lumabag si Judge Lee sa tamang aplikasyon ng batas kaugnay ng kaso laban sa RS Dampa Express Corp.

Batay sa records, naglabas ng Stay Order si Judge Lee noong Nobyembre 20, 2024 para pansamantalang pigilan ang Writ of Execution ng desisyon ng MTC Branch 34. Pero binawi rin ito noong Enero 31, 2025 matapos madismiss ang apela ng kampo ng defendants, kaya naging final and executory na ang hatol.

Gayunman, nitong Hunyo 26, 2025, biglang naglabas si Judge Lee ng utos na panatilihin ang status quo ante o ibalik ang sitwasyon bago ipatupad ang desisyon.

Ayon sa reklamo, problematiko ito dahil wala na umanong hurisdiksyon ang RTC Branch 83 sa oras na iyon at trabaho na dapat ng sheriff ng MTC ang magpatupad ng hatol.

Giit ng complainant, malinaw na gross ignorance of the law ang ginawa ng hukom dahil pinigilan nito ang pagpapatupad ng desisyong final na.

Dahil dito, hiniling ni Siquian at ng kanyang kampo sa Korte Suprema na imbestigahan at parusahan si Judge Lee.

(JULIET PACOT)

230

Related posts

Leave a Comment