BUNSOD ng naitalang “surge” sa kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19, muling ipatutupad ang Color-Coded Quarantine Pass System sa mga palengke at supermarket sa Caloocan City simula nitong Miyerkoles, Marso 10, ayon kay Mayor Oscar Malapitan.
Ang mga may orange quarantine pass ay maaaring pumunta sa palengke o supermarket mula 5 am hanggang 8 pm tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes; at tuwing Linggo mula 5 am hanggang 1:30 pm. Ang mga may green quarantine pass ay maaaring pumunta sa palengke o supermarket mula 5 am hanggang 8 pm tuwing Martes, Huwebes at Sabado; at tuwing Linggo mula 1:31 pm hangang 8 pm.
Ang mga may white quarantine pass ay maaaring pumunta ng palengke o supermarket, alinsunod sa oras ng kanilang hanapbuhay.
Ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR) at mga nagtatrabaho ay kinakailangan lamang ipakita ang kanilang company ID kung magtutungo sa palengke at supermarket. (ALAIN AJERO)
