TINIYAK kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar na patuloy nilang tututukan ang mga quarantine control point kahit pa pahintulutan na ang mas maluwag na quarantine restrictions sa National Capital Region at mga kalapit na probinsya.
Ayon kay Gen. Eleazar, itutuloy ng mga pulis ang mahigpit na border controls para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus 2019.
Ito ay matapos bigyang diin ng OCTA Research Group ang kahalagahan ng pagpapanatili ng border control sa mga probinsya at rehiyon sa bansa sa harap ng bahagyang pagluwag ng quarantine restrictions sa National Capital Region at mga kanugnog na lalawigan.
Inatasan na ang mga pulis na nagbabantay sa mga checkpoint na padaanin ang mga sasakyang nagdadala ng essential goods o iyong may mahahalagang biyahe.
May ginagawa ring random inspections sa mga Quarantine Control Point. (JESSE KABEL)
163
