QUARANTINE RESTRICTION SA ECONOMIC CENTERS, PALUWAGIN

SUPORTADO ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang rekomendasyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez na paluwagin na ang quarantine restrictions sa Metro Manila at iba pang economic centers kabilang ang Calabarzon upang mabuhay na ang ekonomiya.

Nangangamba si Drilon na kung matatagalan pa ang pagpapaluwag sa quarantine restriction ay mas lalala ang sitwasyon ng ekonomiya at mas marami ang mawawalan ng kabuhayan.

Ipinaliwanag ni Drilon na ang Metro Manila at Calabarzon ang dalawang top contributors sa national economy kung saan maraming manufacturing special economic zones ang matatagpuan sa Region IV-A.

Dapat din anyang iwasan ng gobyerno ang shotgun approach sa pandemic na hindi naman nakakatulong sa pagsugpo sa virus.

Binigyang-diin ni Drilon na posibleng naiwasan ang economic damage ng COVID-19 kung hindi nagpatupad ng agresibong lockdown at mahigpit na quarantine measures na batay lamang sa kwestyonableng datos.(Dang Samson-Garcia)

129

Related posts

Leave a Comment