RADIO BROADCASTER NA POLITICAL LEADER NILIKIDA

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cagayan de Oro City PNP hinggil sa radio broadcaster na nilikida ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Kinilala ang biktimang si Federico “Ding” Gempesaw, isang radio broadcaster, driver ng taxi, at isa ring political leader.

Lumitaw sa pagsisiyasat, pumarada ang biktima sakay ng kanyang minamanehong taxi sa harap ng kanyang bahay nang dikitan ng hindi pa kilalang mga suspek at siya ay ilang ulit na pinaputukan.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril sakay ng isang motorsiklo. (JESSE KABEL)

224

Related posts

Leave a Comment