PATAY ang radio anchor na isa ring municipal councilor ng Marihatag, Surigao del Sur matapos pagsasaksakin sa mismong gasolinahan sa Barangay Poblacion, Sabado ng umaga.
Dead on arrival sa Marihatag District Hospital ang biktimang si Councilor Gerry Sales Campos, na tinadtad ng saksak sa sikmura.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Sandy Constantin Rivas, na agad na sumibat matapos ang krimen pero nahuli rin sa hot pursuit operation. Nakatakda na itong sampahan ng kasong pagpatay.
Sa inisyal na imbestigasyon, kabababa lang umano ni Campos mula sa sasakyan sa isang gas station pasado alas-7 ng umaga nang bigla siyang atakihin ng saksak ni Rivas.
Nakita pang nakabulagta ang biktima sa kalsada bago isinugod ng disaster responders, pero idineklarang patay pagdating sa ospital.
Patuloy na iniimbestigahan ang motibo sa krimen.
(JESSE RUIZ)
14
