NAGWAKAS ang apat na taong pagtatago ng isang puganteng rape suspect nang matunton ng mga operatiba ng Zambales Police Provincial Office ang pinagtataguan nito sa Sitio Barani, Brgy. Gayusan, sa bayan ng Agno, sa lalawigang ng Pangasinan.
Ayon kay Zambales Police Provincial Director, P/Col. Romano V. Cardiño, bandang alas-2:00 ng hapon noong Linggo nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang kinaroroonan ng suspek na si Bryan Ecalnir Melu sa Sitio Barani, Barangay Gayusan ng nabanggit na bayan.
Si Melu na itinuturing na top 4 most wanted person ng munisipalidad ng Sta. Cruz sa lalawigan ng Zambales, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Marifi P. Chua, presiding judge ng RTC Branch 70, 3rd Judicial Region, Iba, Zambales.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kaso ng nasabing suspek,
Ayon sa pahayag ni Col. Cardiño, isang alyas Monica, 20-anyos, ang umano’y ginahasa ni Melu noong Abril 28, 2017 sa Sta. Cruz, Zambales. apat na taon na ang nakalilipas.
Ngunit dahil sa tiyaga ay may nakuhang intelligence information ang mga operatiba ng Zambales Regional Intelligence Unit 3 hinggil sa kinaroroonan ng suspek.
Sa pangunguna ni P/Lt. John D. Ignacio, sa tulong ng Sta. Cruz MPS, 1st PMFC at Agno MPS, ay inilunsad ang law enforcement operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
‘Ehanced police-community partnership in combatting crimes, operatives of ZAMBALES PPO are properly aided to locate wanted persons and for his eventual arrests,” ani Cardiño na nanawagan sa mga pinaghahanap ng batas na sumuko na lamang kaysa dakpin pa ng mga awtoridad sa harap ng publiko.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Cruz MPS ang suspek para sa kaukulang booking and documentation procedures kaugnay sa pagbabalik ng warrant of arrest sa nag-isyung korte at para sa commitment order. (JESSE KABEL)
156 