REBATE NG MANILA WATER SA MGA NAAPEKTUHAN NG WATER CRISIS

MANILA WATER-6.jpg

Magbabalik-bayad ang Manila Water sa mga kostumer nito na naapektuhan ng water crisis sa darating na June bill.

Ang rebate ay bahagi ng multa sa Manila Water na ipinataw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Sa Hunyo, ang lahat ng kostumer ng Manila Water ay mababawasan ng bayarin sa unang 10 cubic meters na konsumo.

Tinatayang nasa P150 milyon ang katumbas na balik-bayad ng Manila Water.

Nasa P2,197.94 naman ang rebate sa bawat isa sa 140,000  kostumer na matinding naapektuhan o nakaranas ng walang tubig sa loob ng 7 araw.

Sa pahayag ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty, hindi man sapat imano ang rebate ay patunay ito na may ginawa ang ahensya kaugnay ng water crisis.

Ayon naman kay Manila Water spokesman Jeric Sevilla, maaasahan ang kanilang pagsunod sa utos ng MWSS.

Sa P1.13 bilyong multa ng Manila Water, mapupunta ang P660 milyon sa mga proyektong hindi pwedeng singilin ng kumpanya sa mga costumers habang sa rebate naman mapupunta ang P534 milyon.

Sa kasalukuyan, sinasabing may supply na ng tubig ang mahigit 99 percent ng customers ng Manila Water.

247

Related posts

Leave a Comment