RECLASSIFICATION NG HIGIT 2,000 EKTARYANG LUPAIN SA ABORLAN, PALAWAN ISINUSULONG NI CONG. HAGEDORN

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MULING itinulak sa ­Kongreso ni Palawan 3rd District Rep. Edward S. Hagedorn ang kanyang panukalang batas na ­naglalayong i-reclassify ang bahagi ng public ­domain sa limang barangay sa bayan ng Aborlan bilang ­alienable at disposable land upang mapatituluhan.

Batay sa House Bill No. 4888 ni Hagedorn, nais niyang maging bukas para sa agricultural, residential, commercial at industrial ang nasabing mga lugar.

Sa panayam ng programang “TARGET ON AIR” ng inyong lingkod sa “DZME 1530”, sinabi ni Hagedorn na ang nasabing mga barangay ay ang Iraan, Sagpangan, Isaub, Magbabadil at ­Cabigaan na may kabuuang sukat na 2, 596.50 ektarya.

Sa ilalim ng bill ng kongresista, binanggit na nawawalan kasi ng gana ang mga imbestor na magnegosyo sa munisipyo dahil walang pinanghahawakang titulo ng lupa.

Ito rin daw ang dahilan kaya ang bayan ng Aborlan ay tila napag-iiwanan na.

Kapag napatituluhan na raw ng mga magsasaka sa munisipyo ang kanilang lupain ay maghahatid ito ng magandang produksyon sa kanila.

Ang maganda pa riyan, aba’y tiyak na kikita ang sektor ng agrikultura upang ang mga magsasaka roon ay hindi mapag-iwanan.

Kung hindi nga ako nagkakamali, nakabinbin pa rin ang bill na ito sa House Committee on Natural ­Resources.

Kamakailan, nakipag-ugnayan din si Hagedorn sa ilang senador para idulog ang ilang isyu sa kanilang lalawigan.

Nag-courtesy call kasi si Hagedorn kina Senators Raffy Tulfo at Bong Revilla.

“Binisita natin si Senator Raffy Tulfo at napag-usapan namin ang pagpapaigting ng peace and order lakip na ang maibsan ang power crisis sa aming kapasidad bilang mga mambabatas,” pahayag naman ni Hagedorn sa Politics website.

“Nakausap din natin si [Sen. Revilla] at ibinahagi nito ang kanyang suporta sa ating distrito at paghanga niya sa nakitang ganda ng Puerto Princesa,” anang kongresista.

Siyempre, nagkaroon din ng pagkakataon si Hagedorn na makausap si dating pangulo at ngayo’y ­Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Doon ay tinalakay ng dalawang lider ang mahahalagang mga programa at proyekto sa kanilang nasasakupan.

Naging produktibo rin ang nakaraang mga araw ni Hagedorn dahil sa positibong resulta ng pagtalakay ng mga mambabatas sa 2023 proposed budget.

Mabuhay kayo, Cong. Ed Hagedorn, at God bless po!

213

Related posts

Leave a Comment