INIREKLAMO ng isang kumpanya kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang Land Transportation Office (LTO) na pinamumunuan ni ret. Gen. Edgar Galvante simula noong 2016.
Ang reklamo ng Cartesy German laban sa LTO ay ang pagpayag nito na makapagnegosyo sa nasabing ahensiya ang isang kumpanyang pag-aari ng mga Intsik.
Ayon sa reklamong ipinarating kay Tugade ng Cartesy German, isang manufacturer ng motor vehicle inspection tools, na ginamit ang pangalan ng kanilang kumpanya nang walang opisyal na pahintulot mula sa pamunuan nito.
Idiniin ng Cartesy German na ang Cartesy o CARTESYKJ (Cartesy Diagnostic Technology Co., LTD., LED) na pag-aari ng mga negosyanteng Intsik ay nakagawa umano ng krimeng tinatawag na “copyright infringement”.
Idiin ng nagrereklamo na alam ng mga opisyal ng LTO na “fake” ang Cartesy Diagnostic Tech dahil ito ay Chinese-owned company na nagsimula ng operasyon sa China noong 2010.
Ipinarating din kay Tugade na ilegal umano ang paggamit ng nasabing kumpanya ng mga negosyanteng Intsik sa trade name.
Matinding anomalya at kasamaan ang ginagawa ng mga korap na mga opisyal sa LTO sapagkat bagaman batid nila a peke ang trade name ay pinayagan pa rin nila ang pagnenegosyo ng mga ito na pagsasagawa ng testing at sertipikasyon ng mga motor vehicle kaugnay sa “safe and road worthy?”
Ano ba ang nangyayari sa LTO sa ilalim ng liderato ni Galvante?!
Nilinaw kay Tugade ng nagrereklamong kumpanya na wala silang corporate office sa Pilipinas dahilan kaya lubos silang nag aalala na maaaring sila ang maireklamo sakaling may mangyaring masama sa mga sasakyan na nasertipukan na “road worthy” ng kuwestyonableng Chinese-owned na kumpanya.
Iginiit pa ng german company sa DoTr na “gross violation of proprietary and copyright laws” ang nilalabag ng Chinese owned company na nangopya sa kanilang pangalan.
Dapat namang mabatid ng LTO na malaking disgrasya ang posibleng idulot ng sertilikasyon ng pekeng kumpanya sa mga motorista.
Kailangang maging mabilis ang desisyon at aksyon ni Tugade kaugnay sa reklamo at kailangang mabatid niya kung sino-sino ang mga opisyal na sangkot sa anomalya. NELSON BADILLA
