NAPAPANOOD na sa iWant ang seryeng ‘I Am U’ na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Tony Labrusca. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatambal sina Julia at Tony sa isang proyekto.
Hindi raw nagdalawang-isip ang aktres na tanggapin ang naturang digital series nang malamang si Tony ang makakatrabaho dito.
“Noong ipi-pitch pa lang sa akin, sinabi pa lang, ‘Tony Labrusca.’ ‘Oh maraming laplapan?’ Kasi ‘di ba nanggaling siya sa ‘Glorious’? I heard of Tony kasi first doon sa ‘Glorious’. So parang sa akin, bago ko pa siya na-meet, ganoon na ‘yung image ni Tony, sexy, hot, steamy,” natatawang kwento ni Julia.
Mahigit tatlong taon pa lamang sa show business si Tony pero maraming pelikula na ang nagawa ng binata. Isang malaking karangalan umano para sa aktor na napagkakatiwalaan siya ng ng mga producer kaya nagkaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang ilang sikat na aktres sa bansa. Bukod kay Julia ay nakatambal na ni Tony sina Angel Aquino, Eugene Domingo, Bela Padilla at Lovi Poe.
“Lahat ng contemporaries ko all kind of went one way, tapos ako went to a different path. Parang unexpected siyang nagyari. It was interesting for me. Now, I’m so happy kasi ‘yung katrabaho ko, it’s a different dynamic. Kasi for the first time, ka-age ko (si Julia),” nakangiting pahayag ni Tony.
Dalawampu’t apat na taong gulang na ang aktor habang si Julia naman ay dalawampu’t dalawang taong gulang pa lamang. Para kay Tony, mayroon silang kakaibang chemistry ng aktres. “It was always like a different kind of rapport and chemistry na I had with the other leading ladies. They knew so much more than I did. They’ve been in the industry so much longer. It felt so different working for the first time with someone who’s actually closer to my age. It felt so refreshing,” paliwanag ng aktor.
