RELASYON SA STOCKHOLDERS, PINALAKAS NG BOC-NAIA

PINALAKAS ng Bureau of Customs – Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC – Port of NAIA) ang relasyon at pakikipag-ugnayan nito sa kanyang mga stockholder.

Pinatibay din nito ang komunikasyon sa stockhol­ders at publiko.

Sinimulang isagawa ang programang ito ng BOC-NAIA, sa pamamagitan ng paglulunsad ng forum, o virtual Engagement Meeting, sa external stakeholders nitong Hunyo 15.

Sa nasabing pulong, inilatag ni NAIA District Collector Carmelita M. Talusan ang mga inisyatiba at prog­rama ng BOC sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Inihayag din ni Talusan ang pagpapahusay ng Port of NAIA upang makamit ang itinakdang revenue collection nito, trade facilitation at border protection.

Halos 70 iba’t ibang pa­ngunahing stakeholders ang dumalo sa pagtitipon tulad ng importers, brokerage firms, logistics at forwar­ding companies na regular na nakikipag-ugnayan sa BOC-NAIA.

Kinilala ni Talusan ang mga stakeholder bilang “key partners of the port in achieving its breakthroughs and milestones”.

Pagkatapos ng kanyang presentasyon, opisyal na inilunsad ni Talusan ang “Customer Feedback QR Code System” na karagdagang “pilot digital innovation” ng liderato ng BOC-NAIA.

Nakaugnay ito sa feed­back mechanism ng BOC-NAIA.

Magandang oportunidad ang virtual na pagtitipon upang malaman ng pamunuan ng BOC-NAIA ang “loopholes and bottlenecks for possible improvements of the port and to make sure that stakeholders are not unduly burdened” tungo sa pagkakamit ng ISO certification. (Boy Anacta)

173

Related posts

Leave a Comment