Remulla butata! LAHAT NG TESTIGO LABAN KAY TEVES UMURONG NA

(RUDY SIM)

LUMILINAW na ngayon na talagang idinawit lang si Negros Oriental 3rd district Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa pagpatay kay Governor Roel Degamo matapos bawiin ng sampung suspek ang kanilang naunang sinumpaang salaysay.

Sa preliminary hearing nitong Lunes sa Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng teleconference ay kinumpirma ng mga suspek na dating sundalo na sina Winrich Isturis, Joric Labrador, Benjie Rodriguez, Eulogio at Louie Gonyong na walang kinalaman si Teves sa tinaguriang Pamplona massacre noong nakalipas na Marso 4.

Dahil dito, sinabi ng legal team ng kongresista na mayroon na silang sapat na dahilan upang kwestyunin at hilingin na ibasura ang mga akusasyon at patong-patong na kasong isinampa ng DOJ laban kay Teves.

Iginigiit pa rin ng kampo ng mambabatas na naging biased kay Teves ang kaso dahil agad hinusgahan sa simula pa lamang ni Secretary Boying Remulla sa pagsasabing “tapos na ang boksing”.

Bagama’t iginiit ng National Bureau of Investigation (NBI) na malakas ang kaso laban kay Teves dahil sa scientific evidence na nakuha mula sa crime scene, kinuwestyon ito ng defense team at inakusahan ang DOJ na ilegal na kinunan ng DNA samples ang mga suspek upang itanim sa mga ebidensyang nakuha.

Umapela rin ang kampo ni Teves sa pagiging madaldal ng DOJ at ni Remulla na mistulang pinangungunahan ang korte sa pagdedesisyon.

Anila, hayaan gumulong ang due process laban sa mga akusado para lumabas ang katotohanan at mapanagot ang tunay na nasa likod ng massacre.

205

Related posts

Leave a Comment