REMULLA MAKIKIPAGDAYALOGO SA SANDIGANBAYAN PARA PABILISIN KASO NG MGA TIWALING OPISYAL

TARGET ni outgoing Justice Secretary Crispin Remulla na makipagdayalogo sa Sandiganbayan upang mapabilis ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno pag-upo niya bilang bagong Ombudsman.

Ayon kay Remulla, tututukan niya ang transparency at accountability sa ahensya at pabibilisin ang proseso ng mga kaso, lalo na ang may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Kabilang din sa kanyang susuriin ang mga nakabinbing kaso sa Ombudsman, kabilang ang isyu ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Tiniyak ni Remulla na magiging patas at walang pinapanigan ang kanyang pamumuno.

“Hindi ko gagamitin sa pulitika ang posisyon. Walang sisinuhin sa paghawak ng mga kaso,” giit niya.

(JULIET PACOT)

18

Related posts

Leave a Comment