REP. MARCOS BINATI SI PROF CARLOS

BINATI ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos si retired Professor Clarita Carlos sa pagkakatalaga bilang National Security Adviser sa ilalim ng administrasyon ng kanyang amang si incoming President Ferdinand Marcos Jr.

Sa social media ipinabatid ng mambabatas ang pagbati sa pamamagitan ng ipinost na larawan nilang mag-ama kasama si Carlos.

Isa rin aniyang karangalan na makilala si Carlos at umaasa siya na magkakaroon sila ng mas maraming pag-uusap kaugnay sa mga polisiya at state of geopolitics.

Si Carlos na kilala bilang isang political analyst at retiradong Political Science Professor sa University of the Philippines-Diliman ang kauna-unahang babaeng magsisilbing National Security adviser.

160

Related posts

Leave a Comment