LAGUNA – Nalunod ang isang miyembro ng Barangay Quick Response Team ng Calamba City nang lumubog ang kanilang bangka sa Laguna de Bay.
Ayon sa Calamba City Police, madaling araw noong Martes nang marekober ang bangkay ni James Bryan Laude, 35, BQRT member ng Barangay Paciano.
Natagpuan ang bangkay ng biktima Laguna de Bay sa boundary ng Barangay Mamatid, Cabuyao City at Brgy. Baclaran, Calamba City.
Ayon sa report, Linggo ng hapon nang mawala sa laot ang biktima matapos na lumubog ang sinasakyang bangka kasama ang limang iba pa dahil sa malalaking alon.
Patungo umano sa pamimingwit ang mga ito nang tumaaob ang bangka.
Sinubukan ng limang kasama na sagipin ang biktima na hindi pala marunong lumangoy ngunit bigo silang matagpuan ito. (NILOU DEL CARMEN)
