‘RESTRICTED ACCESS’ SA RMSC, PHILSPORTS

NAGDESISYON ang Philippine Sports Commission (PSC) na ilagay sa “restricte access” ang Rizal Memorial Sports Complex (Manila) at Philsports Complex (Pasig) upang masiguro ang kaligtasan ng mga atleta, mga empleyado at pati ng publiko, isang araw bago isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa “community quarantine.”

“We have to be pro-active in this situation and take these hard decisions for the safety of our athletes and employees,” paliwanag ni PSC Chairman William Ramirez.

Ang pagtaas sa alert level 2 ng bansa, kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nagkakaron ng coronavirus disease o COVID-19, ang naging basehan ng PSC upang magsagawa ng mahigpit na “precautionary measures.”

Pansamantala na rin pinauwi ng komisyon ang lahat ng mga atletang tumutuloy sa kanilang mga pasilidad.

“Only those who get an endorsement to proceed from Olympics Chef de Mission Nonong Araneta will be allowed to travel overseas,” giit ni Ramirez. “National sports associations, under whose supervision athletes train, would have more information to give a good assessment and advise better on whether to proceed.”

Ang mga atleta naman na babalik sa bansa mula sa pagsabak sa international competitions ay eeskortan ng mga PSC personnel mula sa airport at ihahatid sa sakayan–eroplano, barko, o bus– pauwi sa kanilang mga pamilya.

Ang mga galing naman sa mga bansa na may history ng COVID-19 ay sasailalim muna sa 14-day “preventive rest and monitoring” sa RMSC North Tower sa ilalim ng pagmomonitor ng medical team ng komisyon.

Ibinawal na rin muna ang pagbiyahe ng mga atleta, empleyado at officials palabas ng Pilipinas.
“Foreign travel has also been suspended for all athletes, coaches, officials and employees to lower the risk of contracting the illness or spreading it locally.  This shall be in effect for a month, from March 14 to April 14,” ayon sa advisory ng PSC.

Nakasaad din dito na lahat ng bookings at reservations para sa paggamit ng mga pasilidad ng PSC ay “revoked” o kanselado na.

Una nang nagpahayag ang komisyon na lahat ng PSC projects, programs at events kabilang na ang sponsored at organized sa kooperasyon ng NSAs at LGUs ay postponed na.

Simula kahapon (Biyernes) ay suspendido na rin ang trabaho sa PSC upang bigyan-daan ang “sanitation effort” ng operations department.

Sinabi ni PSC Chief of Staff Marc Edward Velasco na maglalabas ng quidelines ang Medical and Scientific Athletes Services para sa mga atleta at kanilang employees.  (ANN ENCARNACION)

169

Related posts

Leave a Comment