REVENUE COLLECTION NG BOC SUMIRIT

BOC-REVENUE

Sa epektibong implementasyon ng iba’t ibang prog­rama na nakahanay sa ‘10-Point Priority Agenda’ ng Bureau of Customs (BOC),  ay patuloy ang pagtaas ng revenue collection ng ahensya.

Base sa preliminary data, lumalabas na Agos­to 2019, nakapagtala ang BOC ng P55.744 bilyon ng  kanilang total collection.

Ito’y  7.2% na mas mataas kung ikukumpara sa P52.012 bilyon collection para sa panahon noong nakaraang taon.

Samantala ang tax collection mula Enero hanggang Agosto 2019 ay umabot naman  sa P413.399 bilyon. Kung ikukumpara sa revenue collection noong nakaraang taon na P383.544 bilyon. Katumbas ito ng 7.8 porsyentong pagtaas.

Inaasahan pa na mula buwan ng Agosto hanggang sa katapusan ng taong 2019 ay makakalikom pa ang BOC ng malaking revenue collection partikular sa pagpasok ng ‘ber months’.

Ang BOC ay isa sa dalawang revenue collectors ng Department of Finance (DOF) gaya ng  Bureau of Internal Revenue (BIR). (Joel O. Amongo)

146

Related posts

Leave a Comment