REVISED RULES SA ‘GREEN LANES’ APRUB SA IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang revised rules para sa “Green Lanes”.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang pasahero na galing sa mga bansang kabilang sa green lanes ay magkakaroon lamang ng 7-day facility-based quarantine at RT-PCR testing matapos ang kanilang pang-limang araw na quarantine.

Kinakailangan aniya na lahat ng pasahero na galing sa green list countries ay may patunay na ang pinanggalingan nila ay “Green List country/jurisdiction/territory” kung saan ay nanatili ang mga ito eksklusibo sa Green List countries/jurisdictions/territories sa nakalipas na 14 na araw bago dumating sa Pilipinas at kailangan na ang mga ito ay fully vaccinated, “whether in the Philippines or abroad.”

Kinakailangan din aniya na ma-verify ang vaccination status ng mga ito, “independently” o makumpirma ng mga awtoridad sa Pilipinas bilang “valid and authentic upon arrival in the country.”
Para naman aniya sa mga bansa na kwalipikado sa Green Lanes o mga pasahero na galing sa mga bansa na sakop ng green lanes, ang Bureau of Quarantine (BOQ) ay kailangang tiyakin ang mahigpit na symptom monitoring habang nasa facility quarantine ng 7 araw.

Sa kabilang dako, para naman sa ibang mga pasahero na darating sa Pilipinas na hindi galing sa green lanes ay kailangan pa rin sumailalim sa 10-day facility-based quarantine at 4-day home quarantine, kabilang na ang RT-PCR test sa pang-7 araw. (CHRISTIAN DALE)

108

Related posts

Leave a Comment