RIDER, ANGKAS UTAS SA OVERTAKE

QUEZON – Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang mabangga ng kasalubong na truck sa Barangay Sumilang, sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kapwa dead on the spot sina Enrique Iglesia Magdato, 29, nagmamaneho, at Germano Olviga, 35, kapwa ng nasabing bayan.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-10:45 ng gabi nang mangyari ang insidente matapos na tangkaing mag-overtake ng motorsiklo sa isang sasakyan ngunit inabot ng kasalubong na Isuzu Giga Truck na minamaneho ni Rolando Capiña.

Sa lakas nang pagkakasalpok, tumilapon ang dalawa at bumagsak sa sementadong kalsada na agad ikinamatay ng mga ito.

Agad namang sumuko sa pulisya ng driver ng nakasalpukang truck. (NILOU DEL CARMEN)

97

Related posts

Leave a Comment