LAGUNA – Patay ang isang OFW matapos na pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Ardin Viesca Flores, 31, tubong San Antonio, Nueva Ecija at residente ng Brgy. Mayapa, Calamba City.
Ayon sa Calamba City Police, sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo at binabaybay ang national highway sa Barangay Real nang biglang lumitaw ang mga suspek at pinagbabaril si Flores na agad nalagutan ng hininga.
Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Inaalam pa ng mga pulis ang posibleng motibo sa krimen at ang kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)
154 