RIDER PATAY SA FORTUNER

CAVITE – Patay ang isang 41-anyos na rider nang mabangga ang minamanehong motorsiklo ng isang Toyota Fortuner sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Isinugod sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si Wilfredo Maldonado Jr., subalit namatay habang nilalapatan ng lunas.

Kinilala naman ang driver ng Toyota Fortuner na may plakang NAA 9455, na si Natasha Mane Candelaria Tan, 38.

Ayon sa ulat ni Corporal Fidel Querijero III ng Bacoor City Police, alas-7:50 ng gabi nang mangyari ang insidente.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang Molino Road patungo sa Dasmariñas south direction at galing naman sa Villar Sipag Road ang minamanehong Toyota Fortuner ni Tan patungo sa Bacoor Boulevard.

Subalit pagsapit sa intersection ng Molino Road-Villar Sipag sa Brgy. San Nicolas 2, Bacoor City, Cavite nang mabangga ng kotse ang motorsiklo ng biktima. (SIGFRED ADSUARA)

231

Related posts

Leave a Comment