ROBBERY HOLDUP GROUP LEADER, 2 PA TIMBOG

NALAMBAT ng mga tauhan ng Galas Police Station (PS 11) ng Quezon City Police District (QCPD) ang top 1 drug personality at lider ng Buenafe robbery hold-up group, kasama ng dalawa pa, sa buy-bust operation sa Brgy. Tatalon, Quezon City noong Miyerkoles.

Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Macerin ang top 1 drug suspect at lider ng grupo na si Ronald Buenafe, 34-anyos, habang ang kanyang mga kasama ay sina John Mike Mosquera, 19, at Mark Christian Mosquera, 20, pawang mula sa Brgy. Tatalon.

Ayon sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation laban sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito at nakumpiskahan ng siyam na sachet ng shabu na tinatayang P54,400 ang halaga, at buy-bust money.

Ang mga suspek ay kinasuhan sa paglabag sa RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2020). (JOEL O. AMONGO)

370

Related posts

Leave a Comment