“KINAKABAHAN akong maging presidente si Vice President Leni Robredo,” ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihin ni Robredo na isang pangingikil ang sinabi ng pangulo na kailangan magbayad ng Amerika sa Pilipinas para sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi alam ni Robredo ang kanyang pinagsasabi, malalagay raw ang Pilipinas sa panganib kung makikipaggiyera ang Amerika sa ibang bansa dahil sa mga kasunduan.
“Ganito ‘yan ma’am, pati kay Senator Lacson, malapit tayo sa China, kung mag-umpisa man ang giyera dito sa China Sea, ngayon gustuhin man natin pinipilit natin na Amerikano tayo, we should be provided with the arms and armaments that’s capable at least equal putting with the other countries, kasi titirahin tayo ng China, ngayon wala namang ibinibigay ang Amerikano, ‘yan ang hindi alam ni Robredo, ang pagkaalam kasi ni Robredo, we are nothings with the America and the Philippines,” ani Du30.
“Kaya ikaw ma’am, I’m sorry to say, you are not really qualified to run for president, you do not know your rule in this government, ‘yang foreign relations with other countries is vested interest on the president alone, wala kang alam, sabihin mo lang na extortion, how can you say na extortion na karaming utang ng America na hindi tayo nabayaran tapos sabihin mo na extortion, kinakabahan talaga ako by chance mag-presidente ka, basta ako retired na sa panahon na ‘yun”, dagdag pa ni Pangulong Duterte.
“Please study more, you need refresher course sa law, that is my advice to you, you do not know how to use extortion, dapat talaga magbayad sila, ano tingin mo sa Pilipinas colony ng Amerika?”, banggit pa ni Du30.
Sinabi naman ni Pangulong Duterte kay Senator Lacson na ‘wag itong salita lang nang salita dahil wala naman siyang kinalaman sa usapin.
Narito naman ang sinabi ni Robredo sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine: “Pero sa akin kasi, ‘yung pinapakita nitong conflict between Ukraine at Russia parang pwede nating siyang maihahalintulad, pwede natin siya maihalintulad ngayon sa West Philippine Sea, isang maliit na bansa na ang karatig na malaking bansa ay merong siyang conflict”.
“Pero pinapakita ng Ukraine na kaya niyang ipaglaban ‘yung isang rules-based na pakikipaglaban ng kanyang karapatan dahil strong ‘yung kanyang relationship with the allies, nandiyan ‘yung US, nandiyan ‘yung European Union,” dagdag pa ni Robredo.
Sa pananaw ng PUNA, sa binibitiwang mga pahayag ni Robredo ay nagpapakita lamang na mahina siya pagdating sa mga importanteng pagdedesisyon para sa interest ng Pilipinas.
Kaya may puntos si Pangulong Duterte na hindi kuwalipikado si Robredo na mamuno sa Pilipinas dahil malalagay lang sa alanganin ang bansa.
Sa pinakahuling nakuhang impormasyon ng PUNA, umabot na sa 157 katao ang namatay sa Ukraine simula nang giyerahin ng Russia.
May nagsabing mga eksperto na posibleng hindi abutin ng isang buwan ay tuluyan nang masasakop ng Russia ang Ukraine.
Hindi basta-basta ang pagiging isang presidente ng bansa, dahil sa kanyang mga kamay nakasalalay ang kaligtasan ng kanyang mamamayan.
Mag-isip-isip tayo para sa kapakanan nating lahat, pumili ng presidentiable na may matibay na paninindigan.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
253
