ROMUALDEZ: KAPAKANAN NG MGA SEAMAN AT PAMILYA POKUS NG PAMAHALAAN

TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Romualdez na hindi lang nakatutok sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs) ang Marcos administration, kundi pati na rin sa kalagayan ng Filipino seafarers at pamilya nila.

Ayon kay Speaker Romualdez, “Malaki po ang ambag ng ating mga seaman sa ekonomiya ng bansa kaya bilang pasasalamat, kailangan namin sa pamahalaan, lalo na sa Kongreso, na masiguro ang maayos na kapakanan ng bawat seaman natin.”

“Siyempre dapat matiyak din natin na maayos ang kalagayan ng pamilya nila dito sa atin habang sila naman ay nasa labas ng bansa,” dagdag pa niya.

Lumalabas na bilyun-bilyong dolyar kada taon ang naire-remit ng mga seaman sa bansa na malaking ambag naman sa ating gross domestic product (GDP).

“The president has instructed our MARINA (Maritime Industry Authority) na siguruhin na nakakasunod ang Pilipinas sa mga International Maritime at Seafarer Standards dahil tila tayo ang paborito ng mga foreign shipping companies na pinagkukunan ng kanilang mga tauhan sa barko,” ani Romualdez.

Base sa datos ng pamahalaan, nasa higit kalahating milyon na ang Filipino seafarers o one-fourth sa bilang ng lahat ng seaman sa buong mundo.

Dagdag pa ng mambabatas mula Leyte, “I can assure you na hindi sila pababayaan sa ilalim ng administrasyon na ito at ang kanilang pamilya.”

“Batid po natin ang sakripisyo nila sa trabaho pati na ang pagkawalay nila sa pamilya kaya tututukan po natin ang kanilang kapakanan at mga pangangailangan,” pahabol ni Romualdez.

213

Related posts

Leave a Comment