ROMUALDEZ PUMIYOK SA ‘AWAY’ KAY VP INDAY

ITINANGGI ni House Speaker Martin Romualdez na may lamat na ang UniTeam at umaasang magiging maayos ang relasyon nila ni Vice President Sara Duterte.

Sa ambush interview matapos ang flag ceremony sa Batasan Pambansa kahapon ng umaga, itinanggi nito na nagkaroon ng lamat ang UniTeam sa pagitan ng mga Marcos at Duterte dahil sa pagtanggal sa confidential funds ng Bise Presidente.

“We always work together, it’s still a UniTeam. The president always wants us to work together not just in Congress with the executive but as a country so we will always strive for that,” ayon sa lider ng Kamara na nanguna sa flag ceremony dahil magdiriwang ito ng kanyang ika-60 kaarawan ngayong araw, Nobyembre 14.

Sinabi ng mambabatas, may mga hindi maiiwasang diperensya ng mga bumubuo sa UniTeam subalit nagtutulungan umano ang mga ito para mapagsilbihan ang sambayanang Filipino.

Gayunpaman, mistulang aminado ito na hindi maganda ang relasyon nilang dalawa ni VP Sara subalit umaasa ito na magkakaayos sila pagdating ng panahon.

“Always, always. I’m very very hopeful,” ani Romualdez nang matanong kung magkakaroon pa ng pagbabago sa relasyon nilang dalawa ni VP Sara.

Magugunitang binanatan ng ama ni Duterte na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, si Romualdez at maging ang Mababang Kapulungan matapos tanggalin ang confidential funds nito at ilipat sa security agencies at Philippine Coast Guard (PCG) para mapalakas ang pagdepensa sa teritoryo sa West Philippines (WPS).
Dahil dito, tinanong si Romualdez kung may tiwala pa ito sa mga Duterte, kung saan sumagot ito ng “of course”.

Pinuri rin nito si VP Duterte sa desisyon nito na isuko ang kanyang confidential funds na pinag-initan ng sambayanang Pilipino matapos matuklasan na ginastos nito sa loob lamang ng 11 araw ang P125 million noong 2022.

“I believe that’s the right decision, we hail VP Sara’s decision,” ayon pa kay Romualdez.

(BERNARD TAGUINOD)

266

Related posts

Leave a Comment