(NI NOEL ABUEL)
TINIYAK ng isang senador na mababantayan nang husto ang mga estudyante laban sa pang-aabuso at kurapsyon sa sandaling maipasa ang panukalang pagbuhay sa Reserved Officers Training Corps (ROTC) program sa lahat ng pampubliko at pribadong senior high schools.
Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate education subcommittee, na ang pagbuhay sa ROTC ay magbubukas sa disiplina sa mga kabataan maliban pa sa matuturuan ang mga ito magandang layunin.
Idinagdag pa nito na and mandatory ROTC ay kapapalooban ng patriotism at nationalism habang tututukan naman ang pagrespeto sa karapatang-pantao.
Sa ilalim din ng nasabing panukala, tuturuan ang mga Grade 11 at Grade 12 students na maging handa sa kalamidad at iba pang programa.
“The standards of discipline, love for country, disaster preparedness, and basic military training are valuable at any given time, but more so now. This generation of Filipino youth thus stand to benefit immensely from this endeavor,” aniya pa.
Tiniyak din nito na hindi naman oobligahin ang mga estudyante na magpatala sa Reserve Force sa sandaling makumpleto ng mga ito ang ROTC.
“The training they undergo prepares them for the probability of entering the Reserve Force, but enlistment is completely voluntary,” sabi pa ni Gatchalian.
