RPMD INILABAS TOP PERFORMING MAYORS, REPRESENTATIVES SA NCR

INILABAS ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) ang kanilang malayang pagtatasa sa pagganap ng mga alkalde sa National Capital Region para sa ikalawang kwarter ng 2024 sa ilalim ng inisyatibong “Boses ng Bayan.”

Binigyang-diin sa pagsusuring ito ang limang mayor na nagpakita ng natatanging pamumuno at pamamahala, kung saan sila’y mataas na niraranggo ng kanilang mga nasasakupan.

Nanguna sa listahan si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na may 90.5%, sinundan ni Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon na may 90.3%, Mayor John Rey Tiangco ng Navotas na may 90.1%, Mayor Eric Olivarez ng Parañaque na may 89.8%, at Mayor Along Malapitan ng Caloocan na may 89.6%.

Sila ay kilala sa kanilang epektibong pagtugon sa mga lokal na hamon at sa proactive na pamamahala ng kanilang mga lungsod.
Kabilang din sa kinikilala dahil sa kanilang kapuri-puring pagganap sina Mayor Wes Gatchalian ng Valenzuela na may 88.4%, Mayor Vico Sotto ng Pasig City na may 88.2%, at Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay City na may 88.0%. Kasama rin sa listahan sina Mayor Ben Abalos Sr. ng Mandaluyong City na may 87.1% at Mayor Ruffy Biazon ng Muntinlupa City na may 86.3%. Nabanggit din ang pagganap ni Mayor Abby Binay ng Makati City na may 85.5% at ni Mayor Lani Cayetano ng Taguig City na may 83.2%. Kumompleto sa talaan ng Mayors sina Marcy Teodoro ng Marikina City na may 81.4%, Honey Lacuna ng Manila na may 80.1%, Imelda Aguilar ng Las Piñas City na may 78.6%, Ike Ponce III ng Pateros na may 76.8%, at Francis Zamora ng San Juan City na may 73.3%.

Sa Kamara, ang ‘Top Performing Representatives’ sa NCR ay sina Rep. Toby Tiangco ng Navotas City (90.3%), Rep. Ralph Tulfo (90.1%) at Rep. Patrick Vargas ng Quezon City (90.0%), Rep. Stella Quimbo ng Marikina City (89.8%), Rep. Marvin Rillo ng Quezon City (89.7%), Rep. Marivic Co-Pilar ng Quezon City (89.5%), Rep. Oca Malapitan ng Caloocan (89.4%) at Rep. Benny Abante ng Manila (89.3%). Kabilang din sa ‘top performing Representatives’ sina Dean Asistio ng Caloocan City (87.9%), Camille Villar ng Las Piñas City (87.7%), Ernix Dionisio ng Manila (87.5%), Kid Peña ng Makati City (87.2%), at Gus Tambunting ng Parañaque City (86.9%), Bel Zamora ng San Juan City (86.6%), Jaime Fresnedi ng Muntinlupa City (86.5%), Boyet Gonzales ng Mandaluyong City (85.2%), Roman Romulo ng Pasig City (84.2%), Tony Calixto ng Pasay City (84.0%), Arjo Atayde ng Quezon City (82.7%), at Edwin Olivarez ng Parañaque City (82.3%). Sa dulo ng listahan ng mga Kinatawan sina Edward Maceda ng Manila (80.4%), Luis Campos ng Makati City (80.2%), Irwin Tieng ng Manila (78.6%, Franz Pumaren ng Quezon City (76.4%), at Pammy Zamora ng Taguig City (75.1%). Kasama rin sina Eric Martinez ng Valenzuela (74.8%), Maan Teodoro ng Marikina City (73.2%), Joel Chua ng Manila (73.0%), Jaye Lacson Noel ng Malabon (71.6%), Mitch Cajayon ng Caloocan City (71.4%), Ricardo Cruz ng Taguig-Pateros (69.5%), at Rolando Valeriano ng Manila (68.7%).

Binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst and Executive Director of RPMD, ang mahalagang papel ng resulta ng surveys upang mapulsuhan ng mga constituent ang paraan ng serbisyo ng kanilang mga lingkod-bayan.

Isinagawa ang survey mula Hulyo 1-10, ngayong taon sa 10,000 respondents na may margin of error of +/- 1% at a 95% confidence level.

520

Related posts

Leave a Comment