KUNG totoo ngang may bakuna na ang bansang Russia ay malaking pagpapala po ito mula sa Panginoon dahil makakahinga na ang buong mundo sa dulot na pahirap ng COVID-19.
Nangako raw si Russian President Vladimir Putin na isa ang Pilipinas sa kanilang susuplayan ng bakuna sa COVID-19.
Yan ay dahil sa magandang reputasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Presidente ng Russia.
Siguradong may gagawa na naman ng intriga laban kay Pangulong Duterte dahil lalong babango siya sa mga or dinaryong tao.
Sa halip na gumawa kayo ng intriga laban kay Pangulong Duterte ay magpasalamat kayo sa kanya dahil sa kanyang magandang pakikipagrelasyon sa ibat-ibang bansa na napapakinabangan ng mga Pinoy.
Tulad niyan, nakagawa na ang mga Russian ng bakuna na panlaban sa COVID-19 at ang Pilipinas ang unang-una nilang susuplayan.
Malamang bago matapos ang taong ito ay magamit na ng Pilipinas at Russia ang kanilang bakunang naimbento laban sa veerus.
Sabi nga mismo ni Pangulong Duterte, ang gusto niya ay siya ang unang magpa-testing sa bakunang gawa ng Russia.
Kung papalarin akong mapili na turukan bilang testing ng bakuna na gawa ng Russia papayag din ako.
‘Di baleng malagay sa alanganin ang aking buhay kung ang kapalit naman ay mas maraming buhay ng mga Pinoy ay papayag ako.
Kailangan natin magsa kripisyo para sa ating mga pamilya at kapwa Pilipino.
Sa panahong ganito ang krisis na hindi lang buhay ng mga Pilipino ang nalalagay sa alanganin pati na rin ang ekonomiya ng bansa ay dapat magtulungan tayo.
Isang malaking pagsubok ito sa atin ng Poong May Kapal kung hanggang saan tayo katatag at ang ating paniniwala sa Panginoon na hindi tayo gagawa ng labag sa batas sa panahon ng krisis.
Sabi nga sa Banal na Kasulutan sa panahon ng krisis, may mga tao na nagiging mabait at matulungin, mayroon namang lalo pang nagiging masama at mapagsamantala sa kapwa.
Naniniwala po ang PUNA na kaya nangyari ngayon sa panahon ni Pangulong Duterte ang krisis na ito dahil alam ng Panginoon na matibay siya at hindi mawiwindang ang Pilipinas sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Sa tagal ko na sa mundo ngayon ko lang naranasan ang ganitong pagsubok na talagang matindi at walang kasing tulad na aking naranasan na pagsubok.
Sinabayan pa ng kaliwat-kanang pananamantala ng ilang negosyante at iba pang nasa gobyerno mismo.
Pero sa kabila ng mga pagsubok na ito ay hindi sumuko si Pangulong Duterte at hindi pa rin nagpakita ng mahinang paninindigan.
Sana ang mga nakapaligid sa kanya lalo na ang kanyang mga gabinete ay ‘wag isipin na malapit nang bumaba sa pwesto si Pangulong Duterte.
Isang tabi muna nila ang pamumulitika. Kailangan niya ng suporta ngayong malaki ang kanyang suliranin sa mga Pilipino.
Lalo naman sa mga taga-oposisyon. Kung talagang gusto niyong maglingkod sa taumbayan ay ngayon ninyo ipakita ang inyong malasakit sa amin.
Sa halip na puro paninira ang mga nasa isip nyo ay gumawa kayo ng paraan kung paano kayo makatutulong na maibsan ang dinadanas na kahirapan ng sambayanan.
Sana sa darating Oktubre ay magamit na ang bakunang naimbento ng Russia at magamit na natin.
Para makabalik na tayo sa normal na pamumuhay na hindi lagi tayong nangangamba na paglabas natin ay hindi natin alam na pag-uwi natin ay may pasalubong na tayong veerus sa ating pamilya.
Nakikita naman natin ang sakripisyo ng frontliners lalo na ang health workers kung gaano kahirap ang kanilang dinaranas habang ginagampanan nila ang kanilang mga trabaho.
Marami na sa kanila ang namatay dahil nahawahan sila ng COVID-19.
Kaya dapat magsamasama tayo at ipanalangin natin ang kanilang kaligtasan dahil sila ang humaharap sa kalaban na hindi nakikita (COVID- 19).
Sa nakuha nating data mula sa Department of Health (DOH), ‘as of August 11, 2020, 4PM ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nasa 139,538 na.
Ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay 68,432 at ang mga namatay ay 2, 312 na.
Hindi na biro ang bilang na ito, kaya dapat ang taumabayan ay makipagtulungan na sa gobyerno.
‘Wag na po kayong pasaway, kayo rin naman ang mahihirapan bukod sa ating pamahalaan.
oOo
Para sa reaksyon at r eaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.
111
