RUSSIA’S VACCINE BUBUSISIIN PA NG FDA

KAILANGAN pa rin dumaan sa tamang proseso ang iniaalok ng bansang Russia sa Pilipinas na bakuna na na-develop nito laban sa COVID.

Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, may batas na pinaiiral sa Pilipinas ukol sa paggamit ng isang gamot for public consumption na dapat sundin.

Kailangan aniyang dumaan ang COVID vaccine sa Food and Drugs Administration at hindi maaaring ibigay sa publiko ang isang gamot nang hindi nasusuring mabuti ng FDA.

Dapat aniyang masunod ang batas ukol dito lalo’t for mass distribution ang kaukulan ng isang gamot at kabilang dito ang clinical trials na handang gastusan ng pamahalaan.

“Ang sabi po ni Presidente, nagpapasalamat siya. He is grateful doon sa offer ng Russia. Pero sinabi rin niya na kinakailangan din nating sundin ang batas na umiiral sa Pilipinas dahil nga po walang gamot na pupuwedeng ibigay sa publiko na hindi dumadaan sa FDA. Ang FDA naman po ay hindi mag-iisyu ng permit to utilize sa isang gamot kung wala po iyong clinical trial,” paliwanag ni Sec. Roque.

Nauna rito, nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nasabing alok ni Russian President Vladimir Putin habang nagpahayag ito ng kahandaang makatulong sa clinical trial sa gitna ng mataas na kumpiyansa sa Russia para mawakasan ang COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

88

Related posts

Leave a Comment