Sa evacuation centers sa mga lugar na apektado ng Taal PNP NAGLAGAY NG ASSISTANCE DESKS

NAGTALAGA si Philippine National Police chief, Gen. Guillermo Eleazar ng police assistance desks sa evacuation centers ng mga residente sa Batangas na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Sa huling talaan ng Batangas Police Provincial Office, mayroong 1,600 evacuees ang nananatili sa 10 evacuation centers sa mga bayan ng Laurel, Talisay, Balete at Agoncillo.

Aniya, “I have already directed the Commander, JTF COVID Shield and the RD, PRO4A to set up Police Assistance Desks in all the evacuation centers in Batangas to ensure that their security and health safety are assured 24/7.”

“Kasama dito ang pag-designate ng COVID-19 protocol officers na makikipagtulungan sa local health office at LGU upang hangga’t maaari ay matiyak na napapatupad ang minimum public health safety protocol sa mga evacuation center,”

Inatasan din nito sina PRO4A director, P/BGen. Eliseo Cruz at Batangas PPO director, Col. Glicerio Cansilao na agad aksyunan ang mga pangangailangan sa mga nananatili sa evacuation centers na naapektuhan ng Bulkang Taal.

Naglagay na rin ng checkpoints sa mga lugar upang maiwasang bumalik ang mga residenteng inilikas at mga turistang nagnanais na pumasok sa loob ng danger zones.

Samantala, inutusan ni Police Brig. Gen. Eliseo DC Cruz ang regional director ng Rizal at Quezon Police Provincial Offices na iorganisa ang kanilang platoon size na RSSF kasama ang Search and Rescue SAR Teams habang ang Laguna at Cavite naman ang magbabantay sa border laban sa mga turistang magnanais na pumasok mga delikadong lugar. (CYRILL QUILO)

208

Related posts

Leave a Comment