INANUNSYO ng Malakanyang na inaprubahan ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IAFT-EID) ang pagpapatupad ng travel ban para sa mga Filipino tourist na nagnanais pumunta sa buong South Korea partikular na sa North Gyeongsang province.
Ang maaari lamang bumiyahe, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo ay iyong permanent resident ng South Korea, mga Pilipinong aalis para mag-aral at mga overseas Filipino worker.
Iyon nga lamang ay kailangan nilang mag-execute at lumagda ng declaration na nagpapakita na alam nila at naiintindihan ang panganib bago pa sila bumiyahe sa nasabing bansa.
Sa kabilang dako, bilang paggalang sa iba pang bahagi ng South Korea, ay magsasagawa ang IATF ng risk assessment sa sitwasyon sa nasabing bansa sa loob ng 48 hours para pag-aralan kung kinakailangan na palawigin ang travel ban.
Hindi naman papayagan ang mga manggagaling sa North Gyeongsang Province of South Korea na makapasok ng bansa. CHRISTIAN DALE
235
