4 EX-DA OFFICIALS KULONG SA 40 CENTAVOS

NAHAHARAP ngayon sa anim hanggang walong taong pagkakabilanggo at diskuwalipikasyon sa gobyerno ang apat na dating opisyal ng Department of Agriculture dahil sa 40-sentimong sumobra sa inaprubahang badyet para sa mga materyales ng water supply system.

Sa 24-pahinang desisyon ng Sandiganbayan, nadiin sa kasong graft sa paggawad ng P2.5 milyong kontrata sina dating DA Region 11 officials Roger Chio, Romulo Palcon, Alma Mahinay at Godofredo Ramos.

Ayon sa anti-graft court, nabigo ang mga akusado sa alegasyon ng prosekusyon na iginawad pa rin ng mga opisyal ang kontrata sa PZA Trading sa Davao City nuong 2016 sa halagang P2,591,435.40 million gayung dapat ay nadiskuwalipika ang kumpanya dahil ang approved budget of contract (ABC) lamang ng gobyerno ay P2,591,435.00.

Si Chio ang nuo’y Regional Executive Director, si Palcon ang Regional Technical Director at Special Bids and Awards Committee (SBAC) Chairperson samantalang si  Mahinay ang SBAC Vice Chair at Chief of Finance Division at si Ramos ang nuo’y Administration Office at SBAC Provisional Member.

“Accused Palcon, Mahinay and Ramos should have rated PZA’s bid as ‘failed,’ and disqualified it outright. Accused Chio, for his part, should not have awarded the  subject contract to PZA, and instead, should have rejected PZA’s bid and declared a failure of bidding, on the ground that the Special Bids and Awards Committee failed to follow the prescribed bidding procedures,” ayon sa Sandiganbayan. JG TUMBADO

187

Related posts

Leave a Comment