HINDI tumitigil ang pag-usad ng pag-uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine Sea.
Sa katunayan, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kumpanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration.
“That is kuwan—we have an ongoing discussion ano and that discussion is led by DFA for a possible joint development dito sa West Philippine Sea. Pero para maliwanag lang ‘no, tayo under this administration, under President Duterte, iyong moratorium dati na sinasabing itigil ang pag-explore sa West Philippine Sea, ni-lift na natin iyan ‘no, ni-lift na natin iyan and then we continue to explore,” ayon sa kalihim.
Tinatayang, may apat na service contracts ayon sa Kalihim ang kasalukuyang pinoproseso na sa sandaling matapos ay dadalhin na sa Malakanyang para sa lagda ng pangulo.
Hiwalay aniyang usapin ang anomang may kinalaman sa mga nagdaang isyu na may kaugnayan sa Chinese Coast Guard at mga mangingisdang Pinoy at hindi aniya nito apektado ang tungkol sa exploration. (CHRISTIAN DALE)
