IPINABABASURA ni Congressman at Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor sa gobyerno ang 7,000 annual cap sa overseas deployment ng healthcare works (HCWs).
Ginawa ng mambabatas ang nasabing kahilingan sa gobyerno dahil parami nang parami ang HCWs lalo na ang mga registered nurse sa bansa, ang nagbabaka-sakaling makapagtrabaho sa United States (US).
“We maintain that Filipinos enjoy the right to live and work wherever they can achieve the best quality of life for their families,” pahayag ni Defensor kahapon.
“Our healthcare workers are entitled to sell their skills to the highest-paying employers around the world – whether in the United States or in the United Kingdom,” dagdag pa nito.
Ayon sa mambabatas, noong taong 2021, umabot sa 9,788 Pinoy nurse ang kumuha ng National Council Licensure Examination (NCLEX) sa unang pagkakataon kahit alam nilang nagkaroon ng paghihigpit dahil sa pandemya.
Mas mataas aniya ito ng 63% kumpara sa 6,004 na kumuha ng NCLEX sa unang pagkakataon noong 2020 para makapagtrabaho sa Amerika, bukod pa sa repeaters.
Kahit may bayad na $200 ang NCLEX, hindi ito ininda ng mga Pinoy nurse sa kagustuhang makapagtrabaho sa Amerika kung saan mas malaki ang sinasahod ng mga ito kumpara sa Pilipinas.
Dahil dito, kailangang tanggalin ang annual cap sa deployment ng HCWs at kung hindi ay dapat itaas pa ang sahod ng mga ito sa Pilipinas upang hindi na nila maisip na umalis pa ng bansa.
“If we want at least some of our future nursing graduates to practice their profession here at home, we really have to improve in a big way their starting pay and benefits,” ayon sa pa sa kongresista.
Kailangang maipasa aniya ang kanyang House Bill (HB) 7933 na naglalayong itaas sa P62,449 ang entry level ng mga nurse na nagtatrabaho sa mga government hospital o mas mataas ng 78% sa P35,097 na sahod ng mga ito ngayon. (BERNARD TAGUINOD)
181 