(CHRISTIAN DALE)
NAKATUON ang mga plano ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pagresolba sa lumolobong presyo ng petrolyo at ang pagsagip sa mga sektor at manggagawang unang naaapektuhan nito.
Nauna rito, tinanggihan ni Marcos ang panukalang suspendihin ang fuel excise tax dahil isa lamang aniya itong ‘blanket solution’ at hindi gaanong makatutulong sa mga direktang tinatamaan ng krisis.
“I prefer to handle the problem on the other side of the equation and provide assistance to those who are in need because if you reduce the excise taxes that does not necessarily help those who are most in need, ‘yung talagang tinatamaan. Kasi blanket eh,” ayon kay Marcos.
“So, yung aking iniisip kung sino ‘yung kaagad na tinamaan, example yung lumabas kaagad – mga transport, ‘yung mga nagpapasada all of the tinamaan kaagad i-focus muna natin sa kanila – ‘yung mga nangangailangan talaga,” paliwanag niya.
“Because you know, ‘yung naman may kaya they can afford to even the VAT. It’s those who have… those whose livelihood are in danger or in danger of losing their livelihood because of the increase in oil (prices). Baka dapat dun tayo mag focus,” dagdag pa nito.
Binigyang diin din ng susunod na Pangulo ang kahalagahan ng transportasyon sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan gayundin sa paggalaw ng raw materials, finished products, agriculture, and food supply, at iba pa, kaya ito ang nangangailangan ng agarang pagtugon.
“Wala naman tayong magawa, we just have to take whatever price we’re getting but hopefully, I remember in the last oil crisis in 1973, napakiusapan naman natin ang mga kaibigan natin na oil producing countries na medyo pagbigyan tayo in terms of the credit, in terms of the payment period, and things like that. Baka we’ll pursue that again, sa diplomacy side lang naman ‘yan,” aniya.
Inihayag din ni Marcos na sinimulan na niyang makipag-usap sa mga bansang nagsusuplay ng langis upang mapagaan ang hagupit ng presyo ng petroleum products sa consumers.
Krisis sa agrikultura
Samantala, nasa krisis na ang agriculture sector, ani incoming Socioeconomic Planning Secretary and NEDA Director General Arsenio Balisacan.
“Food crisis has risen already. As you know, the avian flu, this problem has been with us that has led to crippling price increases of meat. Rice prices have also been a problem,” ayon kay Balisacan.
Bukod pa sa, ang mga magsasaka aniya ay nahaharap sa maraming bilang ng usapin gaya ng low profitability ng “rice farming at farming in general.”
“With that, I would say that our agriculture is in crisis,” anito.
Sinabi pa ni Balisacan na lalong lumala ang problema dahil sa global supply disruptions na maaaring magpatuloy sa mga darating na buwan.
Binigyang diin ni Balisacan ang pangangailangan na protektahan ang vulnerable sectors na labis na nalugmok sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Upang maprotektahan aniya ang mahihirap, kailangan maikasa ang subsidy kaya ang pagpapalabas ng National ID ay dapat bilisan upang makatulong sa mabilis na “rollout of assistance”.
136
