SINUPORTAHAN ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo ang konseptong inirekomenda ng Philippine Marines hinggil sa internal at external defense.
Kamakailan ay iprinisinta ni Marine Commandant Maj. Gen. Ariel Caculitan ang kanilang Archipelagic Coastal Defense concept na layuning higit na makatulong sa pagpapalakas ng kakayahan ng Armed Forces of the Philippines na makatugon sa iba’t ibang banta sa seguridad ng bansa.
Inilagad ni MGen. Caculitan ang nasabing konsepto kay Navy chief Bacordo bilang bagong Marine Corps Operating Concept (MCOC) na sumusuporta sa accomplishment ng Philippine Navy sa iba’t ibang misyon.
Layon ng pagbuo ng Archipelagic Coastal Defense Concept ay magamit ang Marine Operating Forces sa pag-maneuver na makatutulong sa pagpapalakas Navy Fleet Forces at iba pang operating forces gaya ng Philippine Army at Philippine Air Force sa isang joint operations.
Malinaw rin sa nasabing konsepto ang inter operability capability ng mga marino kung papaano ang mga itong mag-i-integrate sa naval, joint, and inter-agency operations.
Nakapaloob sa nasabing konsepto ang role ng Marines at kung paano sila mag-operate at umangkop sa kasalukuyang operating environment. (JESSE KABEL)
