Sa kabila ng paglobo ng COVID cases SINEHAN BINUKSAN SA MANDURRIAO

ILOILO City – Sa kabila ng paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, binuksan ang isang sinehan sa bayan ng Mandurriao.

Aabot sa 140 katao ang pumila para panoorin ang pelikulang “Train to Busan Peninsula.”

Muling binuksan sa publiko ang movie theater na pansamantalang ipinasara ng mahigit tatlong buwan dahil sa banta ng COVID-19.

“The movie goers are very excited already to catch this “Train to Busan Peninsula” and we are very blessed and lucky to be granted permit by Pioneer productions and of course our City LGU”, ayon kay Karmela Alexandra Jesena, manager ng marketing and business development ng Mega World lifestyle malls.

Giit nila, mahigpit ang ipinatutupad nilang social distancing measures.

Bago payagang pumasok ay kinukuhanan ng body temperature at pinagsa-sanitize ang mga manonood ng sine.

Pinasusulat din sa isang form tungkol sa travel history, medical status at iba pang COVID-19 related na mga tanong.

Kailangan ding iwan ng movie goers ang kanilang cellphone. Nilalagay ito sa plastic na may kasamang numero saka ibibigay ang claim number sa may ari.

Sa loob ng sinehan, one seat apart ang seating arrangement. Dahil 300 ang seating capacity ng sinehan, 140 lang ang nakapasok na manonood.

Ikinatutuwa naman ng mga manonood ang ipinatutupad na safety measures.

Lahat sila ay nakapag-book online sa isang website na nagbebenta ng tickets.

Dagdag pa ni Jesena, kailangan na ring masanay ang publiko na mag adjust sa “new normal” sa panonood ng pelikula, kagaya ng pagbili ng movie tickets online.

Ang special screening ng pelikula sa naturang mall ay tatagal ng dalawang araw lamang at ang lahat ng movie tickets ay sold-out na, ayon kay Jesena.

Ang muling pagbubukas ng sinehan ay alinsunod sa Inter-Agency task force guidelines.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng modified general community quarantine ang Iloilo City.

Base sa COVID-19 update ng Iloilo City Government hanggang nitong Linggo, umaabot na sa 155 ang confirmed cases sa lungsod, 65 ang active cases, 86 ang naka-recover habang apat ang

namatay. (CATHERINE CUETO)

87

Related posts

Leave a Comment