Sa kabila ng waiver of appearance MISSING SABUNGEROS WHISTLEBLOWER DUMALO SA PAGDINIG

SA kabila ng pagkakaroon ng waiver of appearance, dumalo sa pagdinig sa Manila Regional Trial Court si missing sabungeros whistleblower Julie Patidongan, kasama ang kanyang legal team.

Personal na dumalo sa pagdinig ng Manila Regional Trial Court Branch 185 noong Miyerkoles ng hapon si Patidongan kahit may waiver of appearance ito para sa pagdinig sa nakahain na seven counts ng kidnapping at serious illegal detention na isinampa laban sa kanya at sa limang iba pa.

Kaugnay ito sa umano’y pagkawala ng ilang sabungero noong Enero 13, 2022, na sinasabing kinasasangkutan ng ilang mga tauhan ng negosyanteng si Atong Ang.

Mula noong arraignment at pre-trial conference noong Setyembre 2023, ang kaso ay sumailalim sa maraming pagdinig, kung saan ilang testigo ng prosekusyon ang tumayo—kabilang ang mga miyembro ng Philippine National Police at mga pribadong indibidwal.

Pinahintulutang magpiyansa ang bawat akusado ng halagang P3 milyon noong Disyembre 2023.

Ang susunod na pagdinig ay naka-iskedyul sa Setyembre 23, 2025, dakong 1:30 ng hapon, na inaasahang ipagpapatuloy ng korte ang presentasyon ng prosekusyon at magpapatuloy sa karagdagang cross-examinations.

(JESSE RUIZ)

95

Related posts

Leave a Comment