Sa kinaltasang ayuda sa Pandi IMBESTIGASYON UMUSAD NA

NAISUMITE na ng Local Task Force LAG ang resolution sa isinagawa nitong hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa isyung pagkaltas sa Livelihood Assistance Grant (LAG) na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang naapektuhan ng pandemya sa nasabing bayan.

Sa huling pagdinig ng Pandi TF-LAG ay lumitaw ang isang “whistleblower” na nagbigay ng salaysay at nalalaman umano nito hinggil sa kontrobersya sa DSWD-LAG na kinaltasan umano ng Magic 7 Cooperative.

Ang pagsulpot ng testigo at mga ipinahayag nito ang siyang naging basehan ng Pandi investigating body para sa kanilang resolusyon.

Ayon kay Pandi Mayor Enrico Roque, in-adopt na ng DSWD Regional Office 3 ang kanilang resolusyon para makadagdag at makatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng national office at ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Nauna rito, nagreklamo ang mga benepisyaryo dahil hindi umano nila natanggap nang buo ang tulong pinansyal matapos kaltasan ng nasabing kooperatiba. (ELOISA SILVERIO)

150

Related posts

Leave a Comment