Sa mga lugar na walang transmission ng COVID-19 NEW NORMAL PWEDE NANG IKASA

MAAARI nang isailalim sa “new normal” ang mga lugar na wala nang COVID-19 transmission kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na,  ayon sa Malakanyang.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng new normal areas sa bansa.

Aniya pa, bumabalangkas na ang task force ng guidelines para sa new normal.

“It has been approved in principle po talaga na magkakaroon ng deklarasyon ng new normal areas. Pero ang binubuo lang po ngayon ay yung mga ‘Dos and Don’ts’ sa new normal,” ayon kay Sec. Roque.

“Kasi baka magkaroon ng new normal, bigla silang magkaroon ng rock concert. Iyon po ang lilinawin natin, iyong mga dos and don’ts sa mga new normal areas,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, mayorya ng lugar sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), itinuturing na “most lenient quarantine classification” at susunod na phase bago ang new normal.

Sa kasalukuyan, ang Metro Manila, mga lalawigan ng Davao del Norte, Batangas, Isabela, Lanao del Sur at limang siyudad gaya ng Santiago, Iloilo, Tacloban, Iligan, at Davao ay nasa ilalim ng GCQ hanggang Enero 30.

Ang natitirang lugar sa bansa ay nasa ilalim naman ng MGCQ. (CHRISTIAN DALE)

105

Related posts

Leave a Comment