Sa pag-akyat sa 1M COVID cases MAG-FOCUS SA DAMI NG MGA GUMALING

NANAWAGAN ang Malakanyang sa publiko na huwag tingnan ang kabuuang pigura ng mga naitala nang kaso ng COVID-19 sa bansa na nasa higit isang milyon na.

Ang panawagan ni Presidential spokesperon Harry Roque ay makita sana ng mamamayan ang bilang ng mga gumaling o nakarekober mula sa virus at hindi ang total figures.

Sinabi nito na ‘di hamak na malaki ang mahigit 900,000 recoveries kung ikukumpara sa higit 1 daang libong active cases.

Kung tutuusin ay humusay pa nga aniya ang ranking ng Pilipinas kaugnay ng mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID na mula sa dating ika-20 ay nasa ika-26 na ngayon.

Nanindigan din si Sec. Roque na walang kapabayaang ginawa ang gobyerno ngunit sadyang hindi aniya nakaligtas sa bagong variant ang mga Pinoy. (CHRISTIAN DALE)

172

Related posts

Leave a Comment