Sa pag-usad ng impeachment complaint LEONEN OUT MUNA SA BAR EXAMS

(NELSON S. BADILLA)

NANANAWAGAN ang Filipino League of Advocates for Good Governance – Maharlika (FLAG – Maharlika) kay Associate Justice Marvic Leonen na magbitiw ito sa pagiging hepe ng bar examinations para ngayong taon, sapagkat hindi “fit mentally and physically” ang naturang mahistrado upang harapin at pamunuan ang napakahalagang pagsusulit ngayong taon ng mga magiging abogado.

Ipinaalala ni Edwin Cordevilla, pangkalahatang-kalihim ng FLAG – Maharlika, na si Leonen ay pihadong magiging abala nang husto upang harapin at ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga kasong inihain laban sa kanya sa Kamara de Representantes hinggil sa paglabag sa ilang napakahalagang mga probisyon ng Konstitusyon at ilang batas bilang mahistrado ng Korte Suprema.

Sa Mayo, inaasahang magsisimulang isalang ang impeachment case ng FLAG – Maharlika sa Kamara makaraang isama ito sa “order of business” ng mababang kapulungan ng Kongreso, alinsunod sa ipinag-utos ni Speaker Lord Allan Jay Velasco kay Majority Leader Martin Romualdez.

Aabangan na rin ito sa Senado dahil napakahalagang gawain, tungkulin at obligasyon ng mataas na kapulunggan ng Kongreso ang paglilitis laban sa mga tinatawag na “impeachable officials” ng pamahalaan.

“It will be unfair to the examinees, their families and all stakeholders if he will not be able to fully devote his time, energy and focus for the coming bar exams,” diin ni Cordevilla.

“We hope Associate Justice Leonen will heed this appeal as he needs all the time in the world today more than ever to prepare to answer the verified impeachment complaint filed against him in the House of Representatives, and to clear his desk of ageing cases in the Supreme Court as well as the unresolved cases in the House of Representatives Electoral Tribunal where he sits as its chairman,” patuloy ni Cordevilla.

Kung uunawaing mabuti, napakatitindi ng mga kasong isinampa ng FLAG – Maharlika laban kay Leonen dahil pumapatungkol ito sa sadyang paglabag sa Konstitusyon, mga batas hinggil sa pagiging pananatiling matuwid, tapat at mataas ang kredibilidad bilang opisyal at mahistrado ng Korte Suprema.

Ang Konstitusyon ay pundamental at pangunahing batas ng isang bansa tulad ng Pilipinas.

Sa ganitong konteksto ng mga kasong isinampal kay Leonen, kailangan niya ng puspusang paghahanda upang mapatunayan niyang mali ang mga nakasaad sa mga ebidensiya ng FLAG – Maharlika laban sa kanya.

“May Associate Justice Leonen see the wisdom in resigning as 2020 /21 Bar Examinations Chairperson for good,” ratsada ni Cordevilla.

247

Related posts

Leave a Comment