Sa pagdami ng road accidents MAS MATINDING PARUSA VS RECKLESS DRIVING IKAKASA

(DANG SAMSON-GARCIA)

MULING nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel para sa mas istriktong mga hakbangin upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.

Binanggit ni Pimentel ang ulat ng Department of Health na umabot sa 577 ang naitalang road accidents mula December 22, 2024 hanggang January 2, 2025.

Sinabi ng senador na hindi na dapat balewalain ang mga aksidente sa kalsada at kailangan ng mas mahigpit na batas at mas mahusay na pagpapatupad upang maprotektahan ang mamamayan.

Isinusulong ni Pimentel ang Senate Bill No. 1015 na naglalayong amyendahan ang Article 365 ng Republic Act No. 3815 o Revised Penal Code upang masolusyunan ang reckless driving at isulong ang road safety.

Kasama sa panukala ang mas mahigpit na pagpapataw ng penalties sa traffic violations, pagpapalakas ng driver education at training, at pagsasaayos ng mga kalsada.

Binigyang-diin din ng mambabatas ang kahalagahan ng public awareness at responsible driving habits.

Dapat anyang tandaan na ang bawat buhay ay mahalaga kaya’t dapat maging responsable sa pagmamaneho at sundin ang mga batas trapiko upang maiwasan ang mga aksidente.

19

Related posts

Leave a Comment