HINIKAYAT ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na huwag maliitin ang banta ng shear line at intertropical convergence zone (ITCZ), kung saan patuloy na nagdadala ng ulan at masamang panahon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang shear line, isang boundary kung saan ang ‘warm at cold air masses’ ay nagtatagpo, ay lumilikha ng mga ulap ng ulan.
Ang ITCZ, sa kabilang banda kung saan ang tinatawag na ‘trade winds’ mula sa kapwa hemispheres converge, ang dahilan kung bakit tumataas ang hangin at nagreresulta ng malakas na pag-ulan.
Ang dalawang nasabing sistema ay nagdulot ng pinsala sa Mimaropa, Eastern Visayas at Davao region, naging dahilan ng pagkasawi ng limang katao at pagkawala ng dalawang iba pa sa pagitan ng Disyembre 26, 2024, at Enero 2, 2025.
Sa kabilang dako, binigyang diin ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang kahalagahan ng pagsunod sa babala mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Mines and Geosciences Bureau, at iba pang kaugnay na awtoridad.
“The public must not take these weather systems lightly, as they can be as destructive as typhoons,” ang sinabi ni Nepomuceno.
Tinukoy nito ang kalunos-lunos na pagbaha dahilan para bawian ng buhay ang 43 katao sa Visayas at Mindanao noong Enero 2023, sanhi ng pag-ulan mula sa shear line.
Binigyang diin ni Nepomuceno ang pangangailangan na paigtingin ang ‘preparedness efforts.’ (CHRISTIAN DALE)
