Sa pagharap sa Senado sa overpriced face shields LAGLAGAN NINA LAO AT GO NAGPATULOY

KAPWA dumalo sa pagdinig ng Senado kahapon sina dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao at Senador Christopher “Bong” Go kung saan inulit ng huli na hindi niya naging aide ang una.

“He was never part of my office, Special Assistance to the President. In the organizational structure, [Presidential Management Staff] is directly reporting to the President. As SAP, I merely exercised oversight over the Office of the Appointment Secretary and the PMS among others. I was not involved in the day to day operations and management of Lao’s office,” banggit ni Go sa pagsisimula ng pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing.

“Iba ang aide, iba ang nakatrabaho, lahat ng nagrereport sa Malacañang compound noon ay katrabaho ko pero hindi ibig sabihin na naging aide ko rin ang ilang libong empleyado doon,” dagdag pa niya.

Binanggit din ng senador na hindi dapat gamitin ng mga itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon sa gobyerno ang utang na loob sa kanila para masangkot sa korapsyon.

“Maaring maraming na-appoint ang pangulo na taga-Davao pero ito ay dahil kilala sila ng pangulo. Dahil tiwala sa kanila at alam ang kakayahan pero kahit may utang na loob si Pangulo sa inyo, wala po sa usapan ang corruption. Kasi kung gusto mo talagang tumulong sa administrasyon, gawin mo lang po ang tama,” ani Go.

Una nang nilaglag ni Go si Lao nang makaladkad ang pangalan nito sa pagbili ng face mask at face shield na sobra-sobra umano ang patong sa presyo.

Kaugnay nito, mistulang dinikdik si Lao nang ipamukha rito ni Senador Panfilo Lacson na wala sa kapangyarihan ng nasabing ahensya ang bumili ng face shields.

Hindi dumalo nang personal si Lao kundi virtual lamang sa pagdinig kaugnay sa 2020 Commission on Audit report hinggil sa paggasta ng Department of Health (DOH) na may kinalaman sa kampanya kontra COVID-19.

Si Lao na nagbitiw noong nakalipas na Hunyo, ang hepe ng Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) nang mangyari ang kinukwestyong maramihang pagbili ng COVID-related items.

Giit naman ni Lao, hindi overpriced ang kanilang biniling face mask at face shield.

Habang tinatanong ng mga senador si Lao, nag-post si Lacson sa Twitter ng: @iampinglacson: ‘di awtorisado ang PS-DBM na bumili ng face shields: “What authority did PS-DBM have in procuring face shields? Hindi yun kasama sa listahan. PS-DBM was not authorized at that time to procure face shields.” (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

291

Related posts

Leave a Comment