Sa pagkamatay ng 29 seniors na nabakunahan sa Norway TAKOT NG PUBLIKO PINAWI NG PALASYO

NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko lalo na sa mga senior citizen na huwag munang bigyan ng konklusyon ang pagkamatay ng 29 katao sa Norway matapos turukan ng bakunang gawa ng Pfizer laban sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kinakailangang pag-aralan muna kung bakit nagkaroon o nagresulta ng pagkamatay matapos umanong bakunahan ng Pfizer.

“Kung sigurado ba na dahil yan sa Pfizer noh. Huwag muna tayong magkaroon ng conclusion. Pero ang akin lang po, talang pandemiya po ngayon. Panahon ng emergency kaya nga po walang commercial distribution kaya hindi iyan available sa mga Marcury Drugs at hindi ini-import ng mga botika eh dahil ang approval po ay “emergency use in times of humanitarian disaster in the form of a pandemic.”

Nauna rito, sinabi ni Infectious Diseases Specialist, Dr. Rontgene Solante na kailangang imbestigahan ang ulat na may 29 katao ang namatay sa Norway matapos mabakunahan. (CHRISTIAN DALE)

112

Related posts

Leave a Comment