Sa paglilipat ng tax payment regime PORT OF LIMAY AT PBRC NAGPULONG

Ang Bureau of Customs Port of Limay at ang Petron Bataan Refinery Complex (PBRC) ay nagsagawa ng pagpupulong para talakayin ang paglilipat sa PBRC’s tax payment regime sa Freeport ng Bataan Expansion Area.

Kabilang din sa agenda sa nasabing pagpupulong ay ang mga pagbabago sa importasyon mula sa pagpasok ng kalakal sa pasilidad mula sa abroad hanggang sa paglabas ng finished products para sa local distribution mula sa kanilang pasilidad.

Gayunman, ang bulto ng langis at iba pang produkto ay ipoproseso sa pamamagitan ng PBRC, sa tulong ng Port of Limay para sa pagtitiyak na magkaroon ng maayos na pag­lilipat mula sa luma patu­ngo sa makabagong proseso, lalo na ito ay ginawa sa mas mahigpit na requirements ng fuel marking program.

Ang naturang coordination meeting ay dinaluhan ng Bureau of Customs Port of Limay Officials sa pamumuno ni District Collector William Ba­layo, PBRC at Petron Corporate Office’s top management at officials, at ang kinatawan mula sa Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB).

Kaugnay nito, ang Bureau of Customs ay patuloy sa pagpapatunay ng kanilang pangako na maging proactive ang approach sa pagtulong sa primary and secondary stakeholders sa pamamagitan ng pinadaling kalakalan.

Habang tinitiyak naman ang proteksyon ng government revenues at ang national border. (Jo Calim)

202

Related posts

Leave a Comment