Sa pagpapabakuna ng PSG FDA, NBI PROBE TULOY

TULOY ang imbestigasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa nangyaring inoculation sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) gamit ang unregistered COVID-19 vaccine.

Ito’y sa kabila ng lantarang pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa imbestigasyon ng Senado.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pinigilan ni Pangulong Duterte ang mga ahensiyang nasa ilalim ng Executive department gaya ng Food and Drug Administration (FDA) at National Bureau of Investigation (NBI) na tingnan ang nangyaring pagbakuna sa mga PSG member noong Setyembre at Oktubre ng nakaraang taon.

“Yung mga hearings ng Ehekutibo can continue and of course we expect the PSG to appear and cooperate. I think they will [cooperate] because there is no order from the president not to participate,” ayon kay Sec. Roque.

Aniya pa, dapat ay dadalo si PSG commander Brigadier General Jesus Durante III sa fact-finding investigation ng Armed Forces of the Philippines (AFP), araw ng Martes subalit binasura ito ng AFP matapos ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

Nauna rito, sinabi ng NBI na ipagpapatuloy nila ang imbestigasyon. (CHRISTINA DALE)

o0o

PAPUTOK BIBILHIN
NG LGU’s, PULIS

SA halip na tuluyang ipagbawal ang paputok ngayong taon ay naisip ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na payagan ang mga negosyante nito sa bayan ng Bocaue sa Bulacan na ibenta ang kanilang produkto sa local government units at pulis para mapanatili ang kanilang negosyo.

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na nagbago ang kanyang isip na tuluyang ipatupad ang total firecracker ban ngayong 2021.

” Ngayon, ganito na lang, so as not to deprive the Bocaue residents of their livelihood, I will only allow — kung maaabutan pa ako ng Pasko ulit — I’ll only allow firecrackers and everything to be done by government. And it would be the mayor himself and the chief of police who should do this. Iyang fireworks sa community para makita ng mga tao with all the safe distances, lahat na, social distancing doon sa pulbura, sa putukan,” ayon sa pangulo.

Giit ng pangulo, tanging ang community firecracker displays na gagawin ng local authorities ang papayagan sa susunod na holiday season para maiwasan ang fireworks- na inuugnay sa pagkasugat at pagkamatay.

Sinabi pa ng pangulo na hindi niya pipilitin ang mga siyudad na ayaw nang magpaputok. (CHRISTIAN DALE)

115

Related posts

Leave a Comment