Sa pagsasara ng ilang private schools UNEMPLOYMENT LOLOBO SA EDUCATION SECTOR

PINAPIPIGILAN sa gobyerno ng minority bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso ang inaasahang paglobo ng unemployment sa sektor ng edukasyon lalo na sa mga private school.

Ginawa ni House minority leader Bienvenido Abante ang kautusan sa Department of Finance (DOF) matapos kumpirmahin ni Department of Education (DepEd)

Secretary Leonor Briones na 27% lamang sa mga estudyante ng mga pribadong paaralan ang nag-enroll para sa papasok na school year (SY) 2020-2021.

“We urge the Department of Finance to come up with a financial assistance program that will keep them afloat in these difficult times, with the condition that they [private schools] retain their employees,” ani Abante sa virtual press conference.

Kapag hindi umano ito ginawa ng DOF, mapipilitan ang mga private school na magsara na mangangahulugan ng paglobo pa ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Sa ngayon ay umaabot na umano sa 7 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic kaya kung hindi tutulungan ang mga private school ay madadagdagan pa ito.

Samantala, umapela naman ang ilang mambabatas sa DepEd na iurong na lang sa Setyembre ang pagbubukas ng klase imbes na sa Agosto 24, upang magkaroon ng dagdag pang panahon ang mga ito sa paghahanap sa bagong sistema ng edukasyon.

Ayon kay Ako Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong, maaari nang gawin ito ng DepEd dahil pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11480 na nagbibigay ng kapangyarihan sa ahensya na iurong ang opening ng klase. (BERNARD TAGUINOD)

201

Related posts

Leave a Comment